hay nako.

September 25, 2012

Nong isang linggo, maaga akong pinalabas sa huli kong klase. Imbis na umuwi agad, napagdesisyonan ko na mas maganda kung maglakad-lakad ako at sabayan ko ng tugtog na nagmumula saaking iPod na third generation. Oo, yuong mataba at pandak na iPod. Matagal-tagal na saken yon, simula nung nasa Arizona pa ako. Di ko kasi gano ugaling magpalit ng gamit hanggat hindi ito pumupugak. At ang dami kong kanta don, nakakatamad din magdownload ulit sa iTunes. Anyway, nawawala na tayo sa usapan…

Nakashuffle ang iPod ko at iyon, sinimulan ko na ang pag-ikot sa aking minamahal na unibersidad. Nabalitaan ko sa isang taga eskwela na mayroon syang klase sa pinakabagong building sa eskwela… Matagal-tagal ko narin syang hindi nakakausap ng personal. Kahit na hindi ko alam kung ano ang mga sasabihin ko sakanya, dinala ako ng mga paa ko sa direksyon ng bagong building. Parating na kasi ang dismissal time, naisip kong magandang ideya kung sasalubungin ko sya… na kunwari coincidence ang pagkikita namen. Oo, lalakad ako ng malayo makita ko lamang at makita nya lamang ako kahit sandali. Nilakad ko ang direksyon papunta roon, tinignan ang aking relo, saktong oras na ng pagtapos ng klase… “eto na, magkikita na ulit kame…" 

Sige, tuloy na tuloy ang paghakbang papunta sa mga bisig na sana’y akin. Papalapit na sa destinasyong inilitrato ko saking sabik na utak, pinanood ang paglagpas ng mga mukang hindi ko kilala, habang pinipilit na pagmukaing hindi sya ang pakay ko. Naensayo na ang sagot kapag tinanong nya kung san ako papunta. Maraming muka ang aking mga nasalubong, pero ni-isa don ay hindi nya pagmamay-ari. Naubusan na ko ng mga taong nadaanan… pero wala sya.

Kasabay ng reyalisasyong iyon ay ang paglipat ng kanta sa iPod ko… Ang pamilyar na boses ni Paul McCartney ang sumunod… Let it Be ang kanta. Gusto ko sanang maluha sa napagtanto ko, na ang pagtyempo ng kantang iyon sa pag-ubos ng mga mukang di ko kilala ay tila may ipinahihiwatig. May ipinahihiwatig ang mundo sa akin… na wag kong sadyain ang pagkakataon. Hayaan ko na…

Dalawa lang naman ang naiisip kong ibig sabihin noon… una eh, hayaan ko na syang maging masaya… wag na kong magpangahas kahit ang gusto ko ay mayakap man lang sya. Or pangalawa, hayaan ko na ang mundo mismo ang gumawa ng paraan para magkita kami ulit. Na, hindi pa yoon ang tama at wastong pagkakataon sa muli naming pagkikita.

Ano man ang ibig sabihin noon, alam kong makakabuti parin sakin ang resulta. Dahil baka nga tapos na ang yugto nya sa buhay ko at hanggang chapter 3334 nalang sya… wag ko nang ipilit na isiksik ang karakter nya sa mga bago kong kwento. O baka pwede ring sa ngayon, kelangan magpatuloy ang kwento ko ng wala ang karakter nya sa mga pinagdaraanan ko… PERO magka-cameo pa sya ulit, magbabalik muli. Hindi ko lang alam kung pang-ilang chapter ulit, pero basta, babablik sya. So, alin lang yon sa dalawa. Sa ngayon, kelangang itanim ko sa kokote ko na hayaan ko ang kapalaran ang magdesisyon… ang lahat ng atensyon ko kelangang ilaan ko sa paggawa ng sarili kong paglalakbay.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply