iisa lang naman ang natutunan ko sa kanya.

February 17, 2013

Bale sa isang buong araw na pag-uusap namin, matapos kaming magpalitan ng mga paboritong banda, bagay at kanta, at matapos kaming magpalitan ng mga ayaw sa mundo. Mayron akong isang binaon pagkatapos naming magkakilan-lan (tama ba tagalong ko?).

At iyon ay tigilan ko ang pagtingin sa mga nararating ng ibang to. Tigilan ko ang pagkukumpara sa sarili ko, sa pag doubt sa kung ano ang mararating ko. At sa pagtatanong na, “baket sya, ganon na, ako hindi pa? Kelan ba ko mapapansin ng tao, matitingala? Parang ang tagal naman…” Instead na iyon ang itanong ko, baket daw hindi ko itanong sa sarili ko kung masaya ba ko sa kasalukuyan ko…

“Masayang, masaya. Oo naman.”

“Then, wala kang dahilan upang i-doubt at mawalan ng kumpyansa sa sarili mo. Kasi tandaan mo, ang kasiyahan sa kasalukuyan, ang isa  sa mga pinaka mahirap na makamit sa buhay. Oo, maaring doktor na ang kaibigan mo, o nakapasa na at pasok sa grad school. Pero, paano  ka nakakasiguro na masaya sila? What I’m trying to say is, wala kang dapat ipagalin-langan kung masaya ka. Walang posisyon sa lipunan, walang bigat ng salapi ang makakatalo sa sarap ng pakiramdam na yan… So, masaya ka ba?”

“Oo.”

“Then maraming tao ang naiinggit sayo.”

Pero syempre english nya sinabi, di naman nagtatagalog iyon. Sana nasabi ko rin sa kanya na napasaya nya ko sa pag-uusap naming iyon…  Kahit di na kami nakakapag-usap ngayon, kahit mayroon kaming hindi pagkakainitindihan, dala-dala ko parin sa isip ko ang mga sinabi nya sakin nung araw na nakakulong kami ng apat na oras sa study room ng Elliot Hall. 

Kaya ito ngayon, ibinabahagi ko dito, para kung sino man ang makatalisod sa pahinang ito, eh ma-ishare ko din sainyo ang makabuluhang paguusap namin.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply