ismol.

November 28, 2012

Me: Ma, nakakainis mga ibang tao. Ang baba ng tingin saken. Tulad ng isa kong katrabaho, tatanong-tanong kung anong gagawin sa suliranin nya tapos pagdududahan ako kung tama ba sinabi ko. EH ANG TAGAL-TAGAL KO NA KAYANG NAGTATRABAHO DOON. Tapos, meron pa syang ginawa, tinanong nya ko kung saang departamento nya dapat ilagay yung bistida nyang dala. Sabi ko, sa Contemporary section. Aba, nakita ko, tinanong nya yung iba naming co-workers para sa second opinion shit, san sya itinuro? SA PUTANG INANG CONTEMPORARY SECTION. Kainis eh. Tapos ito pang isa kong ka-klase sabi saken, i check ko daw ang marka ko sa klase na iyon. Kasi daw sa U [unsatisfactory] ang marka nya. Sumama daw ako sa kanila sa paggawa ng extra credit dahil kailangan ko raw iyon. Ang kinaiinis ko, porke’t U ang kanya, in-assume na nya na ganon din ang aken. Naglog-in ako sa app, anong marka ko? S [satisfactory]!!!!! Tinext ko nga na S ako.
Mom: Pabayaan mo na anak. Tatandaan mo, kahit maliit ka, nakakapuwing.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply