Lakas mong maka Amboy/Amgirl ah?

October 28, 2012

Kagabi, pinakinig saken ni Ate isha [yung fiancé ng kuya ko] yung bagong single ni Rico Blanco. Sabi nya, kung gusto ko daw mainis lalo, pakinggan ko daw yung kanta na may “amats” ba yon? Oh diba, ganon sya ka-forgettable? Anyway, kasi daw yung tagalog ni Rico Blanco may accent lol. Feeling PhilAm ba? Tamang-tama naman si Ate dahil nainis ako nung nagsimula na syang kumanta. It’s like, ano ka tsong? Laking US ka ba? Lakas ng amat mo ah.

Tinanong ko ngayon sila kuya kung si Bamboo ba, laking US. Kasi diba, curious lang. Sabi ni kuya, di sya sure, pero alam nya na sa California sya natira. KUNG SAAN LAGANAP ANG PILIPINO. Anong point ko? Point ko, naiinis ako. Naiinis ako sa mga nagfifeeling. Maiintindihan ko kung sa Fort Wayne, Indiana ka sa Akron, Ohio ka or sa Checotah, Oklahoma ka na-base… ng two years, three years mga ganon. Kasi wala ka namang makakakahalubilong pilipino doon. Eh California?!!! Tapos pag uwi mo sa pinas i-english-in mo nga pinoy or magpe-fake ka ng accent? Anong problema mo? Anong pinapalabas mo? Ako nga asa Pontiac, MI eh, halos mga latino at egoy ang kapit-bahay ko tapos sa OU pa ko nag-aaral kung saan puro puti. Imposibleng malimutan parin ang mother tongue ko at kung pano ito ipronounce ng maigi. Lalo na kung di naman ako nag-iisa sa buhay!!! Andito nanay ko tska dalawa kong kapatid eh. So, there’s no point talaga. Nako, wag mo na kong hayaan magsimula pa sa mga Pilipino na bihirang mapadpad sa pinagtatrabahuhan ko. Nahihiya pa sila pag kinakausap ko sila ng Tagalog at ini-English pa ko. KAPAL NAMAN NG ACCENT. Kunwari pa di nakakaintindi ng Tagalog ang mga ampuch. It takes just about all my willpower not to freaking grab a bag and put one over their fucking heads. Talaga.

Ewan ko, nahighblood ako ng marinig ko ang bagong single ni Rico Blanco. Ang sarap bitch-slap-in. Kaya ka nag-iisa eh.

Di ito sa pagiging nationalistic o pagiging mapagmahal sa sariling wika, dahil believe me sablay na ko sa mga aspetong iyon. Andito nga ako sa Amerika eh, nagbabayad ng bwis sa bansang ito… Tungkol lang ito sa pagiging totoo sa sarili, more than anything. Ang dami-dami nang mga hipokrito sa mundo, tumulong ka naman at magbawas ng kahit isa.

Kaso, ang rebuttal sa mga pinagsasabi ko eh, “Paano kung di mo talaga kilala kung sino ka? Paano ka magpapakatotoo kung di mo naman alam kung ano ang dapat balatan?”

Hehe, problema mo na yon.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply