Maikling Kwento.

September 20, 2012

Meron kasi akong katrabaho sa trabaho [duh] na sobrang hangin. Simula nung nag-umpisa sya sa workplace ko, masyado syang vocal na gusto nya kong ilabas minsan. Unang-una, hindi ko sya type, at pangalawa, napaka unprofessional. Anyway, madami-daming beses ko na syang tinabla at naglagay ng impresyon sa kanya na di ako interisadong i-date sya.

Naging okay naman sya doon. Ang problema nga lang, masyadong malaki ang ulo nya. NO PUN INTENDED. Feeling nya, sobrang gwapo nya na kahit hinindi-an ko sya eh willing akong makipaglandian. Kapag nag-aasikaso ako ng customer, may mga instances na pipilisilin nya ang braso ko [like what the fuck?!], bastos diba? May kausap ako tas mang-gaganon. At minsan naman habang nagri-ring ako ng customer, hinawakan nya ang bewang ko… Siguro mga tatlong beses na nyang ginawa yon, at kada ginagawa nya yon, ipinapaalam ng body language ko na hindi ko gusto yung ginawa nya. Like, inaalis ko ang braso ko sa kamay nya, o pumapalag naman kapag bewang ko ang target nya. Ewan ko ba sa dagul na yon, napaka conservative ko nga manamit sa trabaho eh, at wala naman akong pinapakitang motibo. Basta napuno ako noong Martes. Hindi ko kabisado kung pano ang isip ng mga kano kahit matagal na ako rito, di ko alam kung ano ipinahihiwatig ng pang-gaganon sa babae dito, pero para saken, nababastos ako pag ginanaganon ako. Pwera nalang kung a.)bakla ang gumagawa noon at b.) ay boyfriend ko. Hindi ako malandi at hindi ko balak makipaghawakan ng bewang saknya ano! Pakiramdam ko yung lalakeng yon, eh tigang. Kaya saksakan ng landi. Anyway, nung Martes ginawa nya ulit, hinawakan at pinisil naman ng malaki nyang kanang kamay ang bewang ko. Aba, sa sobrang inis ko, napagtaasan ko sya ng boses, at sinabing, “NO!”

Sa totoo lang, hindi ako confrontational na tao. Minsan hirap akong isalaysay ang saloobin ko, pero nung napagtaasan ko sya ng boses, pakiramdam ko, nakalaya ako. Hindi ko kasi alam kung paanong sabihin ang isang bagay ng hindi nagmumukang nang-iinsulto o sarcastic. Mabait naman syang tao, at ayaw ko ng drama sa trabaho. Pero napuno na talaga ako dahil di ako kumportable sa ganon. 

Kaya, pagbalik ko sa trabaho sa Biyernes, kelangan naensayo ko na ang mga sasabihin ko sa kanya. Na dapat nyang tigilan ang mga advances nya dahil para sakin, nakakabastos yon. At! Kung di kami nagkakaintindihan, masaya akong lalakad papunta sa opisina ng boss ko. At sya na ang kumausap. Natatakot lang talaga ako na makabastos ng tao… Lalo na’t alam kong tumatalim ang dila ko kapag naaargabyado na ako.

Anyways, maikli lang tong kwento ko, muka lang mahaba. Gusto ko lang isulat dito ang nararamdaman kong inis ngayon… Tska ikwento kung ano ang latest sa buhay ko talaga at para di naman puro pa-cute ang nilalagay ko dito. So yea, eto ang buhay ko ngayon. Nababastos sa trabaho ng isang “flirty” raw na swanget. FLIRT MO MUKA MO.

Nilagay ko din to dahil aral din naman to kahit pano. Na kelangan talaga ipaalam mo punto por punto sa isang tao ang saloobin mo dahil kadalasan, masyado silang mahina sa context clues. Ipaalam mo kahit ano pa yan… dahil walang mangyayari kung ipagpapaubaya nalang sa mga simpleng gestures. Kung mahal mo, ipaalam mo! Kung mabaho hinihinga, ipaalam mo! Kung kulang sa asin, ipaalam mo! 

Das Ol.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply