Muka mo, regret.

June 14, 2013

Palaging tanong sa bawat pa-kontest, Ms. Universe, Bb. Pilipinas, Ms. Gay, Ms. America, Ms. Bhutan, Ms. Excuse me ano pong number mo(?)

ang tanong na, “Kung maibabalik mo ang oras, may babaguhin ka ba sa buhay mo?” O sa madaling salita, “ano ang mga nireregret mo sa buhay?” Eto ang mga karaniwang sagot dyan.

  •  "Babalik po ako sa araw na bago mamatay ang lolo ko para sabihin sa kanya na mag jeep nalang sya, kasi makakalas ang side car ng tricycle na sasakyan nya kinabukasan.“
  • "Syempre po, babalik po ako sa araw na nalaglag ako sa manhole. Iiwasan ko po ito, kasi dahil po sa manhole na iyon, habangbuhay nang nabago ang buhay ko… Dahil nagkapeklat po ako sa kili-kili.”
  • “Next question please.”
  • “Ahaha, teka lang po, ano po ulit?”

at syempre, ang walang kamatayan na, “Good evening judges, wala po akong babaguhin sa buhay ko dahil kung di dahil sa mga pangyayaring iyon, wala po ako rito, dito sa harapan nyo upang sagutin ang napakagandang tanong ninyo. Maraming salamat po, mahal ko po kayong lahat.”

Siguro, kung ako ang tatanongin ng mga panel, isang maikling response lang ang imumungkahi ko… ito ay, “why not?” Natural, gugustuhin nilang i-elaborate ko ang sasabihin ko…

Marami akong babaguhin sa buhay ko. Sa totoo lang, kung mabibigyan ako ng magic tyane, marami akong bubunutin sa buhay ko. Ito ang mga sumusunod.

  • Pipigilan ko din syempre ang mga kamalditahan ko. Dahil alam ko na na marami akong masasaktang mahahalagang tao sa buhay ko. Lalong lalo na nung taong 2004.
  • Yung mga lalakeng nagdaan sa buhay ko, sasabihan ko sila na don sila sa kabila dumaan. Bawal sila sa buhay ko.
  • At ang pinaka importante sa lahat, yung mga walang kwenta nang apps na pinagbibili ko sa iTunes dahil ngayon, lahat ng kelangan ko, nasa Afterlight na lahat.

Sabay, I thank you.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply