Pa-alala sa mga lalake:

February 5, 2013

Bago kayo lumapit at mangulit sa isang babaeng nanahimik sa kanyang sariling mundo, siguraduhin nyo na may balak kayong magtagal [kung gwapo at nakakatawa at mabaet kayo]. Kung di naman kayo cute at saksakan din naman ng hangin, wag na kayo mag-isip pang mag-hi.

Kasi nakakasayang kayo ng effort at kilig eh. Mga wala naman palang ibubuga.

Sa susunod pag nagpakilala kayo saken sabihin nyo ganito ah, “Hi, ako si _____, mahilig ako sa kape, paborito ko rin ang Band of Horses at syempre, higit sa lahat, iiwanan din kita.”

Para naman di na ko magdalawang isip na isnabin kayo sa umpisa pa lang.

Nagpapa-alala,
Dweyn.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply