Pake nyo ba?

October 8, 2012

Me: Sabi ni bespren, bat di ko daw ipabigay yung number ko dun sa kaklase ko nung High School? Wala naman daw masama, tska deserve ko din naman daw na maging masaya. Sabi ko, Masaya ako. Tska, di ako nagmamadali, balang araw makakakita rin ako ng akin.
Drew: Tama naman bespren mo ate. Tska pano ka makakakita kung di ka naman nag hahanap?
Me: Masaya ako ngayon. Ako ang nagpapasaya sa sarili ko. Di ko kelangang ipabalikat sa isang tao ang kasiyahan ko.
Moms: Tigilan mo iyang ate mo. Kaya yan ganyan dahil binusog ko yan sa pagmamahal. Buti nga di nagmana sa yan sa tatay nyo noong kabataan nya, haliparot. Masaya ako na hindi malandi ang ate mo at alam nya ang gusto nya para sa sarili nya.
Drew: Sabagay moms, tama ka dyan. Dahil kung hindi, siguro ang dami nang naging boypren yan.
Moms: at baka may anak na rin yan.

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply