Patayin na hanggat usok pa lamang ang kumakalat at hindi apoy.

March 16, 2013

Totoo naman talaga eh, simple lang ang buhay. Tayo lang ang nagpapadagdag drama dito. 

Simple lang, kung di ka nya kailangan, umalis ka na. Sa tingin mo ba, patas ang maghintay o bumitin para sa isang tao na hindi ka naman kailangan? Sa tingin mo ba, fair iyon sa mundo na nagiintay sayo? Hindi. Tandaan mo palagi, na you could be doing so much more maliban sa pagbitin sa taong di ka naman talagang kelangan.

Oo, minsan niloloko natin ang mga sarili natin, na baka mina-mind trick lang ako nitong hinayupak na to at syempre, di ako pahuhuli. Ipapadama ko sa kanyang gusto kong pumasa sa test nya. PUTANG INANG TEST YAN.  That’s all.

Unang-una, isang test lang sa buhay ko ang pagtutuunan ko ng pansin at sisiguraduhing ipasa. At yun ay ang mga exams ko sa eskwelahan. Dahil iyon, simple lang ang suliranin. Tama o mali. Oo oh hindi. At paano ako magagalit kung papel lang naman ang kalaban ko? Isang papel na walang sadya na paasahin at pagurin ako. At dahil sigurado ako na may patutunguhan ako pagkatapos ng test ko, sigurado rin ako na mayroon pa akong sapat na lakas para itugon ang enerhiya ko sa iba pang bagay. Di tulad sa kung iba eh, pinagod ka na nga, tinuyo ka pa. Wala ka nang panahon sa mga mas may saysay pang gawain.

Wala akong sinasabi na ganito ang nararamdaman ko ngayon, wala din akong pinaparating na masama ang loob ko. Nakakainis lang kasi, bakit ba hindi nalang puro sa papel ang test test sa buhay? Napaghahandaan ko pa. Hindi yung ganito, ang pinaka test pala eh, paano ako pag iniwan . 

Baket nga ba ganon? Kahit ilang beses ka nang maiwan sa buhay mo. Ng jeep, ng mahal sa buhay, ng lalake, ng bakla, ng tomboy, butiki, di ka parin masanay-sanay?

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply