Yung biggest crush ng buhay ko.

December 31, 2012

Nagusap kami ng boss ko tungkol sa mga gusto naming genre ng kanta at nagulat sya na magkaparehas na parehas kami ng panlasa. Parehong hilig namin ang The Cure, The Smiths, Depeche Mode, Styx, The Doors, Bon Jovi, Air Supply, Chicago at marami pang iba…

Tapos, sabay sabi saken [sa wikang ingles syempre!]

Alam mo, kung babae lang ang gusto ko, ide-date kita. Hindi ko alam na ang dami pala nating pagkakatulad. At syempre kung medyo hindi ka mas bata saaken ng maraming taon.

Konklusyon: Oo bading ang biggest crush ng buhay ko. At Hindi, hindi naman ako ganon ka-bata sa kanya ano. </3

Ang brightside: Minsan sa buhay nya, nagkaroon din sya ng ex girlfriend. So, yes, meron akong pag-asa pa! lol

>>At yung thought na kung sya ay isang straight eh inamin nya saken na type nya ko?! Puta, greatest birthday gift ever! LOL

Previous Post Next Post

You may also like

Leave a Reply